Saturday, June 19, 2010

Jumper

April 5th. One month bago ako mag celebrate ng 28th birthday ko.

Takot ako sa matataas na lugar. Ironic because nakatira ako sa bulubunduking lugar ng Baguio. My point is madali akong malula. Kahit simpleng bangko lang na pag aapakan ko, para mag palit ng bumbilya ay nababalot na ang buong pagkatao ko sa nerbyos; makikita mo kong nanginginig habang hawak ang bumilya sa aking kamay pinagpapawisan at takot na papatong sa silyang wala pa sa dalawang talampakan ang taas. Kapag successful naman ako sa pag screw-in ng bumbilya, pwede na kong mag pa inom at i-celebrate ang hindi ko pagkamatay.

Lately, I have decided to look on to the ravine. Wondering gaano ito kalalim at kung kutson ba or bato ang sasalubong sa kin. Eto ung malalim na bangin sa tagalog. Fascinated ako sa mga bagay na tumatakot sa akin. Fascinated ako sa mga bagay na pwedeng pumatay sa akin in an instant. Instant lamay: libre kape at biscuit. Bawal mag take home kasi mumultuhin daw kayo ng pinaglalamayan niyo.

Interisado ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan at mga bagay na tumatakot sa kin. Face your fears, live your dreams sabi nga ng isang commercial ad. Pero hindi mawawala ang takot mo sa anung meron doon sa pagbagsak mo kung mag decide ka ngang tingnan at aksidenteng mahulog.

Mahilig tayong tumalon. Take risks. Living your dreams (again). Calculated risks man or simply because of sheer recklessness, we always find enjoyment in it. Try mo nalang maka-relate: Tatalon tayo sa mga bagay na bago, palayo sa luma. Bagong cellphone kasi ang Samsung Omnia ay mas cool kesa sa Nokia 3210. Bagong trabaho because you could not stay happy in your previous job, Bagong apartment, baka kasi the landlady would be nicer this time, bagong damit kasi panget ang kupas na, bagong paniniwala dahil ang luma mong paniniwala ay hindi na “cool” sa paningin ng iba. Bagong relationships not simply because the old one didn’t make sense anymore, kasi niloko ka, kasi si ganito at si ganyan at ganito na nakahanap ng ganyan kaya Booooom! Simply put, ito ay dahil hindi ka na masaya.

Well, I have decided to make a jump for it. “FTW: For the win” sabi nga ng isang kaibigan ko. Take more risks. I don’t want to look back in my life knowing that the most exiting risk that I took was eating chili. High risk investments have percentile returns. To make most of my life is going to be hard. Harder that it already is. Hindi na ko matatakot. Mabalian man ako ng buto sa pagtalon ko, alam kong mabubuhay ako. Mas malakas, mas matibay, at hopefully was guwapo.

Ngayon, tatalon ako. Mag isa. Hopeful pero puno nang takot. Curious pero certain sa mararamdaman ko sa pag pagbagsak. Something new. Something na hindi ko pa ramdam sa 28 years ng buhay ko.

Para sa bagay na bago. Para sa mga bagay na di ko alam. Para sa mga bagay na matutunan ko sa pagtalon. Sa Pagbagsak…. Wait lang, I set ko muna ang Mp3 sa song na Disenchanted ng My Chemical Romance